Babaeng matapos iwanan ng bf ay nasira ang buhay
- ROMA AMOR
- Feb 9, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Jozza, nagkaroon ako ng boyfriend at tumagal kami ng 6 na taon, kaya akala ko kami na ang magkakatuluyan, pero mali pala ako dahil ipinagpalit din niya ako sa ibang babae. Sa ngayon, sira na ang buhay ko, madalas na akong nag-iinom at nagsisigarilyo. Ano ang dapat kong gawin? Sana, mapayuhan ninyo ako. — Jozza
Jozza,
Naku, lalaki lang ‘yan, huwag mong sisirain ang buhay mo dahil sa ex mo na niloko ka lang din naman. Mas mainam kung mas patutunayan mo sa kanya na dapat siyang manghinayang sa pag-iwan niya sa iyo. Imbes na magrebelde ka, eh, ayusin mo ang buhay mo at mag-move on ka na sa kanya. Alam naming kakayanin mo ‘yan. Go, go, go! Laban!





Comments