Amain tinepok ng stepson
AKLAN—Isang amain ang namatay nang saksakin ng kanyang stepson, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Pinamuk-an, New Washington sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Eliseo Barlas, samantalang, ang suspek ay ang stepson nito na si Arjon Abella, kapwa residente sa nasabing barangay.
Nabatid na nagkaroon umano ng pagtatalo sina Barlas at Abella na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments