‘Di na talaga si Maine… ALDEN, IBANG BABAE ANG KASAMA SA TATE

Nitz Miralles / BIDA

Siguradong matutuwa si Kyline Alcantara sa balitang kasama siya ni Alden Richards sa show ng aktor sa New York sa May. First time ng Inagaw na Bituin star sa New York at second time pa lang niya abroad. Ito ay kung hanggang sa May, wala siyang ibang trip abroad. Sa Singapore ang first overseas trip ng aktres na sobrang ikinatuwa nito.
Anyway, kabado si Kyline dahil hindi siya sure kung maa-appreciate ng mga televiewers ang pagganap niya sa bida role sa kanyang serye. Baka raw nasanay ang mga viewers na mapanood siyang kontrabida at magulat na bida at inaapi siya sa drama series with music.
Ang gusto pa niya sa INB, kakanta siya at ini-record ang Ang Aking Bituin at may duet pa sila ni Therese Malvar.
Si Manolo Pedrosa ang love interest ni Kyline sa serye. Walang GF si Manolo kaya makakaiwas si Kyline sa bash ng mga fans nito at ng nobya.





Comments