top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Shoutout sa mga bet na mangharana riyan... 5 SONGS NA PATOK NGAYONG VALENTINE’S DAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2019
  • 2 min read

KAUNTING tulog na lang at Araw na ng mga Puso, ang tanong nakapag-ipon na ba kayo? Hmmm… kung dehins pa, oks lang ‘yan dahil may iba pa namang pa­raan para paki­ligin ang in­yong mga mahal sa buhay. Puwede ninyo silang harana­hin, kaya narito ang ilang mga kanta na perfect para sa Valentine’s Day:

1. PERFECT. Yes, beshy! Ito ‘yung kanta ng sikat na singer na si Ed Sheeran, malamang kilalang-kilala ‘yan ng mga millenial. Bukod sa napaka­ganda ng lyrics nito, tiyak na kikiligin ang asawa o GF ninyo. Hi-hi-hi!

2. AKO’Y SA’YO. Tayong mga Pinoy, mahilig tayong mang-angkin, kaya nga may mga tawagang “mine” at “yours”, korni, ‘di ba? Chos! Ang kantang ito ay nababagay para sa mga magkarelasyon na bet na bet na may nagma­may-ari na sa kanila.

3. ILYSB. Kung sobra-sobra ka kung magmahal at gusto mong sabihin sa asawa o GF mo kung gaano mo siya kamahal, ito ang para sa iyo, lodi! For sure, kapag kinanta mo ito, eh, plus pogi points ka na naman. He-he-he!

4. MARRY ME. Sa mga bet ng mag-propose riyan, ito ang kantang nababagay sa inyo. Kung medyo marunong din kayong suma­yaw, puwede kayong mag-sing and dance. Naks!

5. KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO. Ulti­mate ito, mga besh! Iba talaga kapag ‘yung kanta, eh, panghabambuhay na. Swak na swak ito para sa mga mag-asawa, ‘yung ti­pong hanggang pagtanda nila, eh, sila na ang magsasama. Sweet, ‘di ba?

Oh, ayan, ilan lang ‘yan sa mga kantang kering kantahin sa panghaharana, pero mapa-foreign o OPM man, tiyak kapag kinanta n‘yo ito nang mula sa puso, mas lalo kayong mamahalin ng inyong loved ones. Kaya habang wala pang February 14, mag-practice na kayo, ha?

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page