P3.5-M shabu nasabat

MAHIGIT P3.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa Quezon City, Huwebes ng madaling-araw.
Kasabay nito, naaresto ang mga suspek na sina Ruby Balani, Joshua Salazar, Mary Jane Duran at Mineya Amorine.
Ayon sa paunang ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 500 gramo ng shabu na nagkakahalagang P3.4 milyon at apat pang sachets na may bigat na 20 gramo na nagkakahalagang P136,000.
Narekober din mula sa mga suspek ang P1,000 cash at boodle money na P500,000 para sa kalahating kilo ng shabu na ibinenta umano ng mga suspek sa undercover na pulis.





Comments