top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nagpapabango sa imahe ni ex-P-Noy sa eskandalo sa Mamasapano, ‘Yolanda,’ MRT3, Dengvaxia at iba pa |

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2019
  • 3 min read

ANO ang nangyayari sa pahayagang Philip­pine Daily Inquirer? Mula nang mamatay ang kanilang respetadong editor-in-chief na si Letty Jimenez-Magsanoc, bumagsak nang husto ang kalidad ng kanilang mga balita at opinyon.

May balitang palugi na raw ito at marami pang utang. Ito raw ang dahilan kaya nagdala­wang-isip ang bilyunaryong si Ramon Ang na bilhin ito (bilyones daw ang utang ng kumpanya ng mga Rufino-Prieto).

Nang mawala ang dilawang administrasyong Aquino ay biglang nabisto na mahigit isang de­kada na umanong expired ang lease ng pa­milyang ito sa Sunvar-Mile Long na ari-arian (kuno) nila.

Hindi raw sila ang may-ari ng lupaing ito sa Makati kundi ang gobyerno! Kung hindi pa pumasok ang administrasyong Duterte, baka hindi ito nabulgar.

Ang masama pa, hindi umano nagbabayad ang pamilya Rufino-Prieto ng lease rental nila sa gobyerno. Tulad ng hindi rin nila pagbaba­yad ng tamang buwis sa kumpanya nilang Dun­kin Donuts na P1 bilyon umano ang utang.

Boses ng mga dilawan ang Inquirer, kasama ng Rappler. Sila ang nagpapabango noon sa imahe ng palpak na si ex-P-Noy kahit ang da­ming kawalanghiyaan ang ginagawa ng huli tulad ng eskandalo sa Mamasapano, Yolanda, MRT3, Dengvaxia at iba pa.

Ngayon, sila naman ang “attack dog” ng mga dilawan laban kay P-Duterte. Masyado raw silang naging “biased”.

Dahil hindi sila patas sa kanilang pagbaba­lita, marami raw ang umayaw sa kanila. Hindi kaya bilang na ang mga araw ng Inquirer kaya despe­rado na ito sa paglalabas ng mga kontro­bersiyal na editoryal?

Balita nating bumagsak ang sirkulasyon at lumiit ang kanilang kita. Ang malakas ngayong diyaryo ay ang Manila Times at BULGAR.

Kaunti na rin umano ang bilang ng netizens na bumibista sa website na Rappler. Sinubukan nitong mag-fund raising, pero walang gustong magbigay sa kanilang “dilawang website”.

Pareho ang politika ng Inquirer at Rappler, parehong anti-Duterte at pro-Communist Party of the Philippines.

Kaya hindi nakapagtataka nang magsalita si Jiggy Manicad na animo’y laban sa Rappler ay bigla siyang inatake nang husto ng Inquirer.

Bastos at salaula ang pagbanat nito kay Manicad, dating broadcast journalist na tuma­takbo sa pagka-senador sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago Coalition.

Tinawag umanong traydor, hudas at iba pang masasamang salita si Manicad. Dahil umano sa isiniwalat nitong katotohanan tung­kol sa Rappler, ganu’n ang pagtrato nila sa kanilang dating kasama sa media.

Napakasimple lang ang sinabi ni Manicad, hindi todo ang kanyang pagpuna. Sinabi nilang sa tingin niya, may basehan ang gobyerno para sabihin na may pera ng mga banyaga na pu­masok sa Rappler at paglabag ito sa Konstitus­yon, ganu’n lang.

Pero, masama na ang mga sinabi nila sa kanilang editorial laban kay Manicad na hindi na natin uulitin dito.

Sa mga dating kasama ni Manicad sa GMA7, hindi ba ninyo dedepensahan ang dati ninyong “Kapuso” na binabastos?

Katotohanan ang sinabi ni Manicad na may “foreign funds” na pumasok sa Rappler kaya may kaso sila sa gobyerno.

Alam nating totoo ito sapagka’t matagal na rin natin itong naimbestigahan at naisulat sa ating kolum sa Manila Times.

Ayon sa Konstitusyon, mga Pilipino lang ang maaaring maging may-ari ng mga media mula sa diyaryo hanggang sa telebisyon at radyo.

Tumanggap umano ang Rappler ng pera mula sa dalawang banyagang kumpanya, ang Omidyar Network at North Base Media. Do­kumentado ito at hindi maipagkakaila ng Rap­pler kahit ano pang pagbabaluktot ng balita ang gawin nila.

Pilit nilang iniikot ang isyu at nagpapaawa pa. Inaatake raw sila at wala raw “press free­dom”.

‘Sus, araw-araw ang paglabas ninyo ng pekeng balita, pero hindi kayo ipinasasara. Ta­pos sasabihin ninyong walang press freedom?

Sinabi lamang ni Manicad ang katotohanan. Saludo tayo sa kanya at sana ay huwag siyang matatakot sa paninirang ginagawa ng Inquirer sa kanya na umaaktong tagaresbak ng Rappler.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page