Nag-post ng naka-hubad na video… SEN. GRACE KAY LOVI: I AM PROUD OF YOU
- BULGAR

- Feb 8, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

MERON nang 891,901 views and likes ang video ng BTS ng photo shoot ng ad campaign ni Lovi para sa bagong treatment na ineendorso niya sa clinic ni Dra. Vicki Belo.
Kahit ilang araw nang ipinost ni Lovi ang video, marami pa rin ang nagbu-view at nagla-like, kaya ayan, malapit nang mag-1 million ang bilang.
Isa na sa mga pinakaseksing post ni Lovi sa Instagram (IG) account niya ang video ng photo shoot kung saan, topless siya at bottom lang ng swimsuit ang suot. Magaling lang umanggulo si Lovi, kaya ‘yung muntik masilip na left boobs niya ay mabilis natakpan ng kanyang left arm.
Samantala, marami rin ang nagla-like sa post ni Lovi ng photo nila ng kapatid na si Sen. Grace Poe. Ang simple ng caption niyang: “So much love for this woman... glad I have you @sengracepoe” na sinagot ng senadora ng “I am proud of you, Dear. You are intelligent, fiercely independent and kind... a beautiful woman in every respect.”





Comments