top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Malinaw ayon sa palad... BINATANG NAKATAKDANG MAGKA-GF NGAYONG TAON

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2019
1 min read

KATANUNGAN

  1. Bakit kaya kahit marami akong nililiga­wan ay hanggang ngayon wala pa rin akong girl­friend?

  2. Sa edad kong 27 ay sabik na sabik na akong magka-girlfriend, lalo na kapag nakikita kong may kani-kanya ng girlfriend ang mga kabarkada at kaibigan ko. Wala akong GF, kaya ngayon ay pa­lagi akong malungkot.

  3. Sa palagay ninyo, Maestro, kailan kaya ako magkaka-girlfriend?

KASAGUTAN

Ayon sa kaisa-isang ma­ganda at makapal mong Mar­­riage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) ngayong taong ka­salukuyan ay mag­kaka-girl­friend ka na kung saan si­nasabi rin ng guhit ng iyong palad na ang unang magi­ging girl­friend mo ngayong taong ito ng 2019, na dahil na rin sa iyong kasabikan, ang malamang na siya na ring mapapangasawa mo at makakasama mo ng pang­matagalan sa pag­buo ng isang maligaya at pangha­bambuhay na pa­milya na nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius. Ayon sa zodiac sign mong Libra kung saan ang baba­eng nabanggit ay makikilala mo sa pamama­gitan ng modernong komu­ni­kasyon.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Aldrin, tulad ng nasabi na, ngayon pa lang ay ihanda mo na ang iyong sarili dahil ngayong 2019, sa buwan ng Abril o kaya ay Mayo, bago ka umabot sa edad mong 28, magkaka-girlfriend ka na rin hanggang ang nasabing babae na medyo chubby ang panga­nga­tawan at maliit ang siya mo na ring tuluyang mapa­pangasawa at makakasama sa pagbuo ng simple, pero maligaya at panghabam­buhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page