top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malapit sa asawa | FISH VENDOR TINADTAD NG KAPWA FISH VENDOR

  • Maeng Santos
  • Feb 8, 2019
  • 1 min read

KRITIKAL ang 26-anyos na fish vendor matapos pagsasaksakin ng kapwa fish vendor makaraang magtalo dahil sa pagseselos ng suspek sa biktima sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Michael Rindon, ng Bgy. Central Bicutan, Taguig City.

Nakapiit naman habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Felipe Rarogal, 53, ng Bgy. San Jose, Montalban, Rizal.

Ayon kay SPO2 Joselito Bagting, alas-9:00 ng gabi nang komprontahin ng suspek si Rindon sa kahabaan ng Estrella St., Bgy. Tañong dahil nagseselos ito sa pagiging malapit umano sa isa’t isa ng kanyang ‘asawa’ at ng biktima. Nauwi ang dalawa sa pagtatalo hanggang sa magsuntukan subalit, naglabas ng fan knife ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Matapos nito, agad naisugod ang biktima sa naturang pagamutan ng saksing si Baltazar Amoradie, 42, habang naaresto ang suspek ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Community-6.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page