Kaya dehins n’yo na need magpa-examine at gumastos ng malaking halaga, mga besh! INFLATABLE PILL NA
- BULGAR

- Feb 8, 2019
- 2 min read

MADALAS na kailangan nating kumonsulta sa doktor upang ma-monitor ang ating mga iniindang sakit. Pero, mga lodi, knows ba ninyo na mayroon nang mas mabilis na paraan upang regular ninyong ma-monitor ang lagay ng inyong sikmura? Ayon sa mga eksperto, ang naimbentong pill ay lumolobo at nakade-detect kung may hindi magandang nangyayari sa inyong sikmura. Hala!
Mayroon nang naimbentong pill na lumolobo na kasinlaki ng ping-pong ball sa tiyan. Ito ay kering gamitin bilang pang-monitor ng ulcer, lebel ng acid at impeksiyon sa sikmura.
Ayon sa nakadiskubre nito, ang pill ay maihahalintulad sa hitsura ng puffer fish kung saan mula sa maliit ay unti-unti itong lumalaki kapag nakade-detect ng panganib.
Ang pill ay gawa sa dalawang uri ng mala-jelly na hydrogel material para makayanan nito ang epekto ng pagkulo ng tiyan at acidic digestive juices, gayundin, ito ay gawa umano sa super-absorbent particles na nababalutan ng matibay na uri ng materyal, kaya hindi ito madaling masira.
Gayunman, mayroon umano itong sensor na nakapagta-track ng temperatura ng sikmura sa loob ng isang buwan.
Ayon sa mga developer, maihahalintulad ang naturang pill sa puffer fish dahil sa defense mechanism nito na biglang lumolobo sa tuwing malapit ito sa panganib, kaya tinawag itong ‘puffer pill’.
Habang binubuo ng mga developer ang ‘puffer pill’, inilagay ito ng mga researcher sa solution ng tubig na nagrerepresenta ng gastric juices. Ang pill ay lumalaki ng 100 beses kumpara sa tunay na sukat nito sa loob lamang ng 15 minuto kung saan ayon sa mga eksperto, epektibo ito upang maagapan ang pag-atake nito sa sikmura ng indibidwal.
Ayon sa mga nakadiskubre, ang puffer pill ay kayang mag-monitor ng lebel ng acid sa sikmura, gayundin, ang senyales ng ilang bakterya o virus.
Samantala, ang puffer pill ay may pareho ring kakayahan na mag-monitor ng activity pattern ng mga hayop sa loob din ng isang buwan.
Bukod pa rito, ayon kay Dr. Xuanhe Zhao, kasalukuyan nang pinag-aaralan ng kanilang team ang paggamit ng puffer pill bilang pampababa ng timbang.
Kaya mga beshy, dehins na ninyo kailangang pumunta nang madalas sa inyong doktor dahil sa pill na ito. Make sure lang na sinusunod pa rin ninyo ang payo ng inyong doktor para oks na oks kayo.
Copy?





Comments