top of page

Kahulugan na dapat maging wais sa lahat ng bagay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Rizadel ng Rizadel_Miras@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin kapag nanaginip ng pekeng pera, may 1,000, 50 at 20 pesos?

Naghihintay,

Rizadel

Sa iyo Rizadel,

Ang fake ay hindi tunay, kumbaga, para itong fake news, ito ang mga balitang kasinungalingan at hindi totoo tulad ng panaginip mo na ang pera ay peke o ‘yung tinatawag na “play money”.

Dito sa mundo, aminin man natin o hindi, ang lahat ay naghahangad ng pera. Kaya ang pera sa panaginip mo ay sinisimbolo ng mga pangarap mo na gusto mong mapasaiyo. Puwedeng bagay, tao o kahit na ano, kumbaga, kung ano ang gusto mong makuha at marating sa buhay.

Sa tao, ganito ang sabi ng walang kamatayang awitin, “ everyone is untrue!” Malungkot na katoto­hanan at ang mas nagpapalala sa negatibong pananaw ay ang liriko sa awit na “honesty is such a lonely word.”

Marami ang nagsasabi na hindi sila naniniwala sa nasabing awitin dahil marami silang kakilala na tapat. ‘Yung iba pa riyan, aangal dahil para sa kanila, tapat sa kanila ‘yung boyfriend o girlfriend nila.

Pero, sobrang linaw at paulit-ulit na isinisigaw ni Lord Jesus Christ na ang lahat ng tao sa mundo ay makasalanan. Sino kaya ang nagsasabi ng totoo?

Gayunman, huwag na muna nating pag-usapan kung sino ang sinungaling at balikan natin ang iyong panaginip.

Ang mensahe ng iyong panaginip ay nagsasabing, mag-iingat ka sa mga pekeng proposal, kaya ka pinag-iingat ay dahil ang fake ngayon ay mukha nang totoo at baka mapaniwala ka ng ibang tao.

Mag-ingat ka sa nagpapakita sa iyo ng pagtingin dahil ang pekeng tao ay talagang nagpapakita ng maganda at nagkukunwaring totoo. Mag-ingat ka dahil ang mga nagsasabi na sila ay tapat ay tapat lang nu’ng hindi pa sila nakagagawa ng mali, kumbaga, honest ang tao sa umpisa, pero sa huli ay nagsisinungaling din.

Muli, mag-ingat ka dahil ito mismo ang gustong iparating sa iyo ng panaginip mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page