top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

HOROSCOPE | PEBRERO 08, 2019 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 8, 2019 (Biyernes): Ma­tampuhin ka at maging sa langit ay nagtatampo ka. Maunawain ang nasa itaas kaya kahit may ka­hinaan ka ay huhulu­gan ka pa rin Niya ng mga suwerte.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puwede mo nang anihin ang mga bu­nga ng iyong pagsisikap, pero inirerekomenda na maghintay ka pa ng ilang panahon nang sa gayun ay matatamis ang mga biyayang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-18-20-22-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa tabi mo ang mga suwerte mo ngayon. Baka hindi mo makuha ang mga ito kapag nasa malayo ka, ibig sabihin, bago ka lu­mayo, tumingin ka muna sa iyong paligid. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-12-25-31-33-38.

GEMINI (May 21- June 20) - Ayaw mo ng maku­­pad, kaya ka­pag napansin mong ma­bagal ka, pagsabihan mo ang iyong sarili na ang mga suwerte mo ay naba­base sa pagiging mabilis mo. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-3-13-14-26-34-42.

CANCER (June 21- July 22) -Napaka­lakas ng iyong pandama sa mga araw na ito. Huwag mo itong gamitin sa pag­hahanap ng kulang sa mga tao, bagkus, gamitin mo ito sa pagsagap kung ano ang makabubuti sa iyo. Ma­suwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-11-14-19-20-25-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lu­mayo ka sa mga taong iniim­plu­wensiyahan ka ng mga negatibong pa­nanaw. Magaganda ang kanilang paliwanag, kaya marami rin silang nagi­ging kakampi. Muli, la­yuan mo sila. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-18-28-30-33-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makuntento at ma­niwala na ang tao ay dapat na ma­kun­tento. Sim­ple lang ang ilagay mo sa iyong isipan na ang bukas ay walang katiyakan. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-23-28-30-33-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbalik ang nawala, kum­baga, muli mo itong nakita. Ganu’n ang Haring Araw, muling nag­bi­bigay ng liwanag. Mag­si­simula na ngayon ang iyong magagandang kapa­laran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-15-18-33-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mapanlin­lang ang man­daraya. Nada­raya ang taong mabilis kung maniwala. Kaya ang makabubuti para sa iyo ay ang pag-aralan ang mga panukalang inilalatag sa harapan mo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-16-28-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magta­nong ka, bakit ka mahihi­yang magtanong? Sa pagtata­nong, yumaman ang mga taong kulang sa kaalaman. Sa pag­tatanong din yuma­man ang mga negosyante. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-22-25-27-30-37-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap paniwalaan da­hil hindi na uso ngayon, pero kailangan mong malaman na ang susi para yumaman ka nang husto ay ang mga makalumang paniniwala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-17-20-25-27-31-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit nag-aalinla­ngan ka, ang piliin mo ay ang masikip at matinik na landas ng buhay. Kapag sinimulan mo ng magla­kad, mapagtatanto mo na ito pala ang daan sa ka­ginhawahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-11-13-17-21-30-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap alu­kin ang mga taong sobrang lalim kung mag-isip. Bi­na­­balaan ka ng iyong ka­palaran na kapag pinilit mong alamin ang mala­lim na pag­katao ng nasa harapan mo, mabibihag ka at ma­giging alipin ka niya. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-30-31-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page