top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirit sa Kongreso | RECLAMATION PROJECTS, IPAGBAWAL SA MANILA BAY

  • V. Reyes
  • Feb 8, 2019
  • 1 min read

IPINADEDEKLARA ng Makabayan Bloc sa Kamara na reclamation free zone ang Manila Bay.

Sa inihaing House Bill 9067, ipinababasura na ang mga planong reclamation project na nakabimbin sa Philippine Reclamation Authority o sa anumang ahensiya ng gobyerno at local government units.

Ipinawawalambisa rin ang mga ipinalabas na Environmental Clearance Certificates (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga aprubado o aplikasyon pa lang na reclamation permit sa 1,994 square meters na sakop ng Manila Bay.

Sa ilalim ng panukala, ang mga lalabag ay maparurusahan ng pagkakapiit ng hindi bababa sa 6 hanggang 12 taon at pagmumulta ng mula P5 milyon hanggang P15 milyon.

Ang mga opisyal ng gobyerno na lalabag ay maaari ring masibak sa serbisyo at madiskuwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Kung kumpanya o grupo naman ang lumabag, mananagot sa nabanggit na mga parusa ang pinakamataas na mga opisyal at miyembro ng Board of Directors.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page