top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HIGIT P.8-M ANG CARRY OVER SA WTA NGAYON

Green Lantern
Feb 8, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

MAHIGPT ang labanan na pag-aagawan ng Additional One Win In Group Races upang angkinin ang unang premyong P120,000 sa 3 Year Old Group Race, Condition Race at Group Race sa walong karera kasabay ng Carry Over sa Winner-Take-All (WTA) mahigit na P.8 milyon na bubunuin sa Malvar,Batangas ngayong gabi.

Sa Race 1 magaganap ang 1St.Pick 5 na paglalabanan ng pitong kabayo sa kabila ang isang couple entry sa 3 Year Old Group (7) at pinapaboran ang Joyous Solution at magsisilbing kalaban ang Iikot Lang.

Asahan na maraming karerista ang mamumuhunan ngayon sa WTA dahil sa carry over na P821,744,80 sa pag-alagwa sa Race 2. Tatlong mananakbo ang nakikita kong maglalaban-laban sa pagsikad ng Race 2 sa panimula ng WTA na pangungunahan ng Gentleman Jim, Probinsiya at Cinderella Kid sa Group Race (8).

Hatawan ang umaatikabo sa Race 3 na panimula ng Pick 6 event at nakalalamang ang Indian Warrior habang makakalaban ang Boy Paradise, Super Vista at entry no.1.

Samantala,sa Race 4 na kung saan mag-uumpisa ang 2nd Pick 5 event at pinapaboran ang Significant Play at Couple entry na Hello Junior at Persian Princess, samantala magsisilbing kalaban ang kalahok na Yes Music.

Sa Race 5, kung saan mag-uumpisa ang Pick 4 event na paglalabanan ng mga kalahok na Lady Pio, Airborne Magic, Princess Tin, Ranagant at Couple Entry na Indiana Sky at True Religion sa Group Race (11).

Habang maglalaban sa unahan ang Golden Empire, White Chocolate at entry No.7 at isama sa mga parating ang Magic Square sa Race 6.

Sa Race 7, pinipili ang Baisakhi, entry no.2, Break and Shine,Single Flower at Batang Rosario. Walong kalahok ang maglalaban sa Condition Race (22) at pinapaboran ang Storm Shadow at Joy Joy Joy habang magsisilbing kalaban ang No Matter What at Dance lively sa Race 8 para sa WTA Pick 6 ang Pick 5 at Pick 4.

Tip ni mang Ding Race 1- Entry No.2 Iikot Lang (5) Race 2- Probinsyano (5) Cinderella Kid (9) Gentleman Jim (2) Race 3- Indian Warrior (7) Entry No.1 Race 4- Entry No.5 Significant Play(2) Entry No.1 Race 5- Airborne Magic (7) Lady Pio (5) Entry No.3 Race 6- White Chocolate(5) Golden Empire(6) Entry No.7 Race 7- Baisakhi (7) Entry No.2 Single Flower(9) Break and Shine (4) Race 8- Entry No.3 Storm Shadow(6) Dance Lively(7).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page