top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dapithapon ni: Hedaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2019
  • 1 min read

Dapithapon nang tayo’y muling nagkita,

malayo ang aking tanaw, lumapit kang bigla.

Nagtanong ka kung puwede pa bang ituloy

ang istorya nating tila ba wala nang karugtong?

Tatanungin muna kita,

natatandaan mo pa ba

na dapithapon din nang tayo ay nagpasya

na itigil pansamantala ang ating istorya?

Ngayon, handa ka na ba?

Kaya mo na bang sumugal

sa bagay na walang kasiguraduhan?

Kung hindi pa, sige, huwag muna.

Ako’y handang maghintay, 'pagkat ako’y sanay.

Basta’t ika’y handa na, ako’y susugal na.

Ilang dapithapon pa ba ang aking hihintayin

para tuluyan kang mapasaakin?

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page