Libreng requirements sa pag-a-apply ng trabaho, sagot ng gobyerno
- BULGAR
- Feb 8, 2019
- 1 min read

PIRMA na lang, lalarga na!
Naghihintay na lang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos maratipikahan ng Kamara ang panukalang maglilibre sa mga bagong graduate sa mga dokumentong kailangan sa aplikasyon sa trabaho.
Walang tumutol sa adoption ng First Time Job Seekers Assistance Act na pinagsamang bersiyon ng Senate Bill 1629 at House Bill 172.
Sa nasabing panukala, iwi-waive ng mga ahensiya ng gobyerno ang paniningil sa mga fresh graduate at first time pa lang papasok sa trabaho.
Kabilang sa mga dokumentong karaniwang hinihingi sa pag-a-apply ang NBI clearance, police at barangay clearance, postal ID at iba pa.
Samantala, para maging qualified, kailangan ng bagong graduate na magpakita ng diploma, certification o sinumpaang-salaysay na nagpapatunay na sila ay bagong graduate sa high school, kolehiyo o vocational courses.
Gayunman, isang beses lang puwedeng makapag-avail ng exemption.
Malaking tulong ito, lalo na sa mga magulang dahil hindi na nila poproblemahin kung saan kukuha ng pang-requirements ang mga anak.
Sa halip na pambayad sa mga dokumento, pam-budget nalang sa pamasahe habang naghahanap ng trabaho.
Comments