top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

9 nag-trip magpaputok ng baril, arestado

Mylene Alfonso
Feb 8, 2019
1 min read

DESIDIDO ang Manila Police District-Station 9 na kasuhan ang siyam na indibidwal kabilang ang dalawang menor-de-edad na walang habas na nagpaputok ng baril sa ere, kahapon ng umaga sa Malate, Manila.

Sasampahan ng alarm and scandal, paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearms ang mga suspek na sina Anjo Padilla, 27; Jeffrey Mendoza, 32; Luilius Dolante, 30; Maryjay Dominguez, 29; Beucan Morillo, 23; Wendel de Guzman, 24; Marc Senez, 21, at dalawang nasa edad 16.

Alas-5:40 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa M.H. del Pilar corner Aldecoa Sts., Malate, kung saan inaresto ang mga suspek ng mga miyembro ng MPD-SWAT na pawang nakasakay sa dalawang Honda car na kulay itim at orange.

Ayon sa pulisya, isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng pulisya kaugnay sa pagpapaputok ng baril ng mga suspek sa lugar ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Roxas Boulevard PCP na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at isinasailalim na sa paraffin test upang matukoy kung sino sa kanila ang nagpaputok ng baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page