3 dedbol sa motorsiklo

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang tatlong lalaki na pawang mga lasing umano matapos maaksidente sa magkahiwalay na lugar sa Pangasinan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Robert Dauz at Arnel Baga, kapwa ng Urdaneta at Gerome Lacambara, ng Sta. Barbara.
Batay sa imbestigasyon, bandang hapon at papauwi na sina Dauz at Baga mula sa kaibigan kung saan sila nakipag-inuman.
Dahil sa kalasingan, pagewang-gewang ang takbo ng minamanehong motorsiklo kung saan unang nahulog ang angkas na si Dauz at bumangga naman sa barrier si Baga na sanhi ng kanyang pagkabagok.
Samantala, mabilis umano ang pagpapatakbo sa motorsiklo ng lasing na si Lacambara nang may tumawid na aso saka siya bumangga sa poste.
Sa tulin ng pagpapatakbo, tumilapon ang lalaki at nabagok.
Patuloy na ang imbestigasyon sa dalawang insidente.





Comments