‘Bato,’ nag-sorry sa mga Obispo dahil sa drug war, nangangamoy laglagan?!

DAHIL NAGPAKITA NG RESPETO SI GEN. ‘BATO’ SA MGA OBISPO, BAKA ILAGLAG NA SIYA NI P-DUTERTE?—Humingi ng kapatawaran kay Archbishop Rolando Tirona, Archdiocese of Caceres sa Naga City si ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa libu-libong napatay ng mga pulis sa drug war noong siya pa ang hepe ng PNP.
Naku, baka magalit si P-Duterte kay Gen. “Bato” at ilaglag ang kandidatura nito kasi sukdulan ang galit ng pangulo sa mga taga-Simbahan tapos ang bata niyang dating PNP chief, nagpapakita ng respeto sa Obispo, boom!
◘◘◘
KANDIDATONG MALAKI ANG GINAGASTOS SA HALALAN, KAPAG NANALO, MALAKI RIN ANG NANAKAWIN SA KABAN NG BAYAN—Sa Pebrero 12, 2019 ay start na ng kampanya ng mga kandidato sa pagka-senador at partylist at sa Marso 29, 2019 ay umpisa na rin ang kampanyahan sa mga lokal na posisyon.
Kaya sa mga botante, panawagan natin na ibasura ang mga kandidatong malaki ang ginagastos sa halalan kasi kapag nanalo ang mga ‘yan, sigurado malaki rin ang pagnanakaw na gagawin ng mga ‘yan sa kaban ng bayan, period!
◘◘◘
SEC. LOCSIN, ‘TUTULUG-TULOG SA PANSITAN’—Tila tutulug-tulog yata sa pansitan si DFA Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin, Jr. kaya hindi niya nababalitaan ang mga sinasabi sa publiko ng amo niyang si P-Duterte at kapwa gov’t. official na si Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Mismong si P-Duterte na ang nagsabi na marami raw trabaho kaya lang ay walang trabahanteng Pinoy kaya Chinese workers ang ini-import ng kanyang gobyerno para magtrabaho sa Pilipinas at ayon naman kay Panelo, hindi raw gaanong bihasa sa trabaho ang mga Pinoy kaya mga Chinese ang kinukuha ng Duterte gov’t. na magtrabaho sa bansa tapos si Locsin, ang sabi ay hindi naman daw napupunta sa mga Chinese ang trabahong para sa Pinoy, buwisit!
◘◘◘
RAKET NI ‘ADAM’, UNTOUCHABLE SA JURISDICTION NINA MAYOR SALDA AT PD MENCIO SA LA TRINIDAD, BENGUET—Wala pa rin ginagawang aksiyon sina Mayor Romeo Salda at PD, Sr.Supt. Lyndin Mencio para “itokhang” ang isang alyas Adam na nagpapatakbo ng mini-casino sa Sun Valley St., La Trinidad, Benguet.
Dahil walang aksiyon sina Mayor Salda at PD Mencio, lumalabas na untouchable sa jurisdiction nila ang raket ni “Adam,” pwe!





Comments