top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pagpapatayo ng karagdagang Bahay Pag-asa, aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2019
2 min read

BASE sa nailathalang Social Weather Sta­tions (SWS) survey na isinagawa noong July 13 hanggang 16 at December 18 hanggang 22, 2018, karamihan sa mga Pilipino ay pabor na 15 taong gulang ang minimum age of criminal responsibility (MACR).

Kaya naman, hinihikayat natin ang pama­halaan na pag-aralang maigi ang resulta ng survey at tingnan kung anong senyales ang nais nitong maipaabot sa kabataan maging sa mga magulang.

Ano ang dapat nating gawin upang mabi­sang madisiplina ang mga children in conflict with the law (CICL)?

Malakas ang paninindigan natin sa kasa­lukuyang batas na Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice Welfare Act.

Sana ay maintindihan ng lahat na hindi sagot ang pag-ako ng krimen sa napakamu­rang edad dahil naniniwala tayo na ang da­pat nating ma­pagkaisahang matutukan ay ma­tulungan ang mga child offender, lalo na ang mabigyan sila ng buong kalinga at panga­ngalaga para makamit ang kinakailangang pagbabago sa kanilang sarili.

Nakasaad sa nasabing batas na isa sa mga solusyon nito ay ipapasok sila sa tinatawag na Intensive Juvenile Intervention and Support Center o Bahay Pag-asa.

Kabilang sa mabibigat na krimen na ito ay ang parricide (pagpatay ng ina o ama sa kan­yang sanggol), murder, infanticide (pagpatay ninuman sa sanggol na hindi lalagpas sa 3 days old), kidnapping, serious illegal deten­tion at pag­suway sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Ang Bahay Pag-asa ng Lungsod ng Va­lenzuela na ating ipinatayo noong 2013 ay isa sa ilang accredited residential-based institu­tion sa ilalim ng pamamalakad ng Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD).

Hindi lamang ito tinatawag na “detention home” kundi lugar para makapaghatid ng epek­tibo at komprehensibong rehabilitation pro­gram sa mga CICL.

Iba’t ibang aktibidad ang maaari nilang pag­kaabalahan upang mapabuti ang bawat isa sa kanila at kasama rito ang pagpapatuloy ng kani­lang pag-aaral sa pamamagitan ng Alter­native Learning System (ALS).

Naging mabisang solusyon ito sa mga ba­tang Valenzuelano kung saan 75% sa kanila ay unti-unting tumalikod sa masasamang gawain at nakapagbagong-buhay.

Kinakailangan nang tingnan muli ng gob­yerno ang unang kritikal at mahahalagang hakbangin sa paglalagay ng pondo sa pagpa­patayo ng mga gusali at pagpapatakbo ng ope­rasyon na itinakda ng batas, lalo na ang Bahay Pag-asa dahil 58 pa lamang ang kasalukuyang operational.

Umaasa tayo na ang mga Bahay Pag-asa na kasalukuyang hindi sumusunod sa pamanta­yan ng DSWD.

Ang marumi, siksikan at kulang sa pag­kain o tauhan na mga institusyon ay maitatama rin sa pamamagitan ng paglalagay ng pondo sa umiiral nating batas para maipatayo ang 56 na karagdagang Bahay Pag-asa centers sa buong bansa.

Ang kabutihan, proteksiyon at seguridad ng kabataan ay hindi dapat ipagsawalamba­hala upang hindi sila tuluyang maligaw ng landas at magkaroon sila ng magandang edukasyon.

Para maisakatuparan ito, ayusin natin ang implementasyon ng batas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page