NA-SWEEP NG MIGHTY SPORTS ANG GROUP STAGE SA DUBAI

KINUMPLETO ng Mighty Sports ang sweep ng group stage ng Dubai International Championship matapos daigin ang Al Wahda Club, 85-81, noong Martes ng gabi sa Shabab Al-Ahli Club sa Dubai.
Naitala ng Mighty Sports ang kanilang pang-apat na panalo para sa sweep ng Group B ng torneo. Papasok din ang Mighty Sports sa quarterfinals na may malinis na kartada. Gumawa ng 27 points si Justin Brownlee habang nagtala naman si Roosevelt Adams ng 21 points at 7 rebounds para sa Mighty Sports. Nag-impok ng 19 points at 6 rebounds si Randolph Morris.
Hindi naging madali ang pagkopo ng Mighty Sports sa panalo nang lumamang pa ang Al Wahda Club, 76-70, 4 minutes ang nalalabi sa 4th quarter. “I’m just happy with the win. We talked about at the start of the tournament, I told the team that we still haven’t faced adversity, and that when the time comes, we have to stick together. So today, we faced a lot of adversity,” wika ni Mighty Sports coach Charles Tiu. Muling magpapahinga ang Mighty Sports ngayong araw bago magsimula ang kampanya patungo sa kampeonato.





Comments