Lolo hinataw ng pala ng katrabaho, dedbol
- Levi Gonzales
- Feb 7, 2019
- 1 min read

DEDO ang 61-anyos na lolo matapos hatawin ng pala sa ulo ng kanyang katrabaho sa Bgy. Kilib, Lucban, Quezon.
Alas-8:50 ng gabi, nakaupo at nagpapahinga sa kanilang pinagtatrabahuhan ang biktimang si Eugenio Sentilices, ng Ibabang Dupay, Lucena City, nang hatawin sa ulo ng suspek na si Marvin Lozano, 37, kapwa construction worker.
Gamit nito ang pala kung saan duguang bumagsak ang biktima saka dinala ito sa pagamutan subalit, idineklara itong dead-on-arrival habang naaresto ang suspek.
Patuloy namang inaalam ang motibo sa pagpatay.





Comments