top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

LGU official niratrat sa bahay, dedo

Jeff Tumbado
Feb 7, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang salarin ang opisyal ng Local Government Unit makaraang pasukin ito sa kanyang bahay sa Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa ospital si Robert Herbilla, 43, sekretaryo ng Sangguniang Bayan sa President Roxas, North Cotabato.

Ayon kay Police Supt. Bernard Tayong, alas-8:45 ng gabi ng Martes nang pasukin ng dalawang lalaki ang bahay ni Herbilla at pinagbabaril ito bago tumakas sakay ng motorsiklo

Bago pa ang pagpatay kay Herbilla, una na itong inaresto dahil sa nakuhang ilang pakete ng shabu nang isagawa ang pagsalakay sa kanyang bahay subalit, napalaya matapos maglagak ng piyansa.

Giit ni Herbilla na ‘planted’ lamang umano ang nakuhang droga sa kanyang bahay ng raiding team at hindi siya nasasangkot sa illegal drug trade sa kanilang bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page