HOROSCOPE | PEBRERO 07, 2019 (Huwebes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 7, 2019 (Huwebes): Nagdaratingan ang mga suwerte mo. Mas magandang isabuhay mo ang pagiging masinop at pahalagahan mo ang mga biyayang napasasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bago mo ituloy ang plano mong paunlarin ang iyong buhay, tiyakin mo muna na ang mga nasa tabi mo ay hindi magsisikontra. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-26-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Naglalabas-masok sa isipan mo ang naggagandahang ideya at kung pipili ka ng isa ay magsisimula na ang tuluy-tuloy na pag-asenso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-17-25-33-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Kahit paisa-isa ang hakbang mo, makaaasa ka na malayo ang mararating mo, pero kung pagsasabay-sabayin mo ang iyong mga gusto, wala kang mararating na kahit ano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-20-24-28-42.
CANCER (June 21- July 22) - Hindi ka dapat matulad sa iba na nag-aakalang sapat na ang lakas ng loob para umasenso. Sa hanay nila nagmumula ang mga taong nabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-17-21-27-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tinatalo ng lamig ang init. Pero, para sa iyo, hindi ka dapat manlamig sa mga pangarap mo. Kulang ka lang sa pampasigla, kaya hanapin mo ito! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-14-23-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahalaga kung alam mo ang mangyayari dahil ang talagang importante ay ang magawa mo ang mga paunang kilos tungo sa lubusang pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-11-18-22-28.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit gaano kahigpit ang pagkakatali mo sa hindi magandang sitwasyon, ang tao ay nakalalaya rin naman. Simple lang ang iyong kailangan at ito ay ang humakbang ka papalayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-13-18-26-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang hihinto kahit nahihirapan ka. Ang paghihirap ay senyales ng malaking tagumpay at nag-uumapaw na kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-25-26-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan may nakabukas na oportunidad na mas magpapaunlad sa iyong buhay, doon ka lumagay. Huwag kang tumulad sa marami na ang damdamin ang ipinaiiral. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-15-29-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dapat alam mo na ang negosyo ay negosyo. Marami ang nalugi dahil ang kanilang pinagkakakitaan ay nahahaluan ng iba pang bagay na walang kinalaman sa negosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-14-26-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nasa harap mo, ‘yun ang para sa iyo. Kung ano ang nasa malayo, huwag mo munang pangarapin. Nabibigo ang tao sa maling prayoridad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-20-21-25-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa mga ipinakikitang larawan. Kapag maraming salapi ang nasa larawan, ibig sabihin, walang pera, kaya ang mga larawan ay kabaligtaran ng katotohanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-23-24-31-40-41.




Comments