Building nasunog, 10 dedbol
PATAY ang sampu katao matapos masunog ang walong palapag na gusali sa southwestern Paris.
Pinangangambahang kabilang sa mga nasawi ang dalawang Pinoy na naninirahan sa ikawalong palapag ng naturang building.
Samantala, bukod sa mga nasawi, 30 ang sugatan kung saan ang anim dito ay pawang mga bumbero.
Arestado ang isang babae na itinuturong nasa likod ng naganap na sunog.
Nagpasalamat si French President Emmanuel Macron sa mabilis na pagresponde ng mga bumbero at rescuer.





Comments