Bong, Jinggoy, Enrile out; Aquino, Abad, Garin in. . . sa selda!

KAYA NADAGDAGAN NG TIG-P100 MILYON PORK BARREL ANG MGA CONG KASI ‘YEAR OF THE PIG’ NGAYONG 2019—Hindi na tayo dapat magtaka kung bakit ang dating tig-P60 million pork barrel ng mga kongresistang kaalyado ni P-Duterte ay nadagdagan ng tig-P100 milyon kasi “Year of the Pig” ngayong 2019.
‘Ika nga, taon ngayon ng mga kongresistang masisiba sa “pork”, mga buwisit!
◘◘◘
3 LP OFFICIALS, MALAMANG ‘MAGMANA’ SA KULUNGAN NINA “BONG” REVILLA, “JINGGOY” ESTRADA AT JUAN PONCE ENRILE—Matapos irekomenda ng Kongreso na sampahan ng graft case sina ex-Pres. Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III, ex-Budget Sec. Florencio “Butch” Abad at ex-DOH Sec. Janette Garin kaugnay sa “Dengvaxia scandal”, malamang tatawa-tawa ngayon ang tatlong ipinakulong noon ng “yellow gov’t.” na sina ex-Senators “Bong” Revilla, “Jinggoy” Estrada at Juan Ponce Enrile.
Kapag guilty kasi ang inihatol ng korte kina Aquno, Abad at Garin, malamang silang tatlong LP officials ang “magmamana” sa seldang pinagkulungan kina Revilla, Estrada at Enrile sa Camp Crame, boom!
◘◘◘
NCRPO CHIEF GENERAL GUILLERMO ELEAZAR, TUTOK SA KRIMINALIDAD, IBANG REGIONAL DIRECTOR, SA PAYOLA NAKATUTOK—Pinapurihan ni PNP Chief General Oscar Albayalde sina NCRPO Director General Guillermo Eleazar ar QCPD Director, C/Supt. Joselito Esquivel, Jr. sa mabilis na aksiyon kaya nadakip agad ang apat sa anim na suspek na pumatay kay Bgy. Chairwoman Criselle Beltran, kandidato sa pagka-kongresista ng 2nd District ng Quezon City.
Ganyan kabilis gumawa ng aksiyon ang tropa ni Director General Eleazar kaya sa lahat ng region sa buong bansa, NCR ang may pinakamababang crime rate, hindi tulad sa ibang region kaya mataas ang crime rate kasi ang inaatupag ng kapulisan ay payola sa mga iligalista, boom!
◘◘◘
RAKET NI ‘KIROS’ SA ANGELES CITY, INILIPAT NA SA TARLAC, PERO SINA C/SUPT. CORONEL AT SR.SUPT. ABRAHANO, ‘NGANGA’ NA NAMAN —Ang raket na color games at drop balls ni “Kiros” na dating nakapuwesto sa Angeles City, Pampanga ay inilipat na raw nito sa bayan ng Mayantoc, Tarlac.
Ibig sabihin, matapos raketin ni “Kiros” ang mga taga-Angeles City, mga taga-Tarlac naman ang bibiktimahin nito at tulad noon, “nganga” lang sina PNP-Region 3 Director C/Supt. Joel “Jigs” Coronel at CIDG-Region 3 head Sr. Supt. Christopher Abrahano sa raket ng iligalista, pwe!





Comments