top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bangkay lumutang sa dagat

Pabs Hernandez III
Feb 7, 2019
1 min read

NORTHERN SAMAR—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang natagpuang nakalutang, kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Bangkaway, Lavezares, sa lalawigang ito.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad 50 pataas at nakasuot ng puting t-shirt.

Nabatid na ilang mangingisda ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima o namatay lang ito sa lunod.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page