32K PTS. NI JAMES, SINISIW NG PACERS, NANAMBAK SA LAKERS


BUMOMBA si Bojan Bogdanovic ng apat na tres puntos para sa Indiana at makagawa ng kabuuang 19 puntos nang dominahin ng Pacers ang Los Angeles Lakers sa bisa ng 136-94 win sa laban nila sa NBA Game sa Indianapolis kahapon.
Ikalawang laro nila ito matapos ang 109-107 na unang panalo sa New Orleans Pelicans, nasungkit ng Pacers ang ikatlo nilang sunod na pagwawagi matapos ang four-game losing streak.
Bunga na rin ng pagkakalipat ni Anthony Davis, ikalawang diretsong pagkatalo na ito ng Lakers. Bumanat si Myles Turney ng magkasunod na tres puntos habang si Bogdanovic, Aaron Holiday at Cory Joseph ay dumagdag ng tig-8 puntos sa 2nd period, nang manaig ang Pacers sa Lakers 36-20 sa itinatag na 69-46 na kalamangan sa halftime.
Pinakamasaklap na pagkatalo naman ang nalasap ni LeBron James sa kabuuan ng kanyang NBA career dahil sa tinambakan sila ng 42 points ng Pacers. Ang resulta ay bunga na rin ng pagkakaupo ng mama sa buong 4th quarter. Ngayon lang sa buong 16 na taon niya ng NBA career nakaranas si James ng 42-point loss bagamat may nagawa siyang 18 puntos ay inabot na niya ang 32,000 career points. Ang iba pang All-Time scoring leaders ay sina Kareem Abdul Jabbar ( 38,387), Karl Malone (36, 928), Kobe Bryant (33,643) at Michael Jordan (32,292).
Sa iba pang laban, bumanat si Jayson Tatum ng 25 points habang si Gordon Hayward ay may 18 points upang manguna ang bisitang Boston Celtics sa 103-96 win laban sa Cleveland Cavaliers. Dumagdag si Marcus Smart ng 17 points habang may 13 si Jaylen Brown at 7 rebounds para sa Boston, na nakapagwagi ng ika- 5 straight game. Parehong kapos sa mahuhusay na players ang team. Wala sa Celtics si Kyrie Irving dahil may hip strain ito, wala rin si Marcus Morris at Aron Baynes na masakit ang tuhod at paa. Pinaupo si Cedi Osman dahil sa pagkakatapilok sa pagkatalo ng Cleveland sa Dallas Mavericks noong Sabado.
Umiskor naman si Kawhi Leonard ng 24 puntos habang sina Kyle Lowry at Serge Ibaka ay dumagdag ng tig-20 puntos nang tilarin ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers, 119-107. May natabo si Ibaka na 10 rebounds, habang may 16 puntos si Pascal Siakam para sa Raptors sa umibayo sa 17-11 win-loss sa road season game. (MC/ATD)





Comments