top of page
Pokwang.jpg

Para madala | P1,000 MULTA SA TSISMOSO’T TSISMOSA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2019
1 min read

IPINAGBABAWAL na ang pagtsitsismis at lan­tarang pagsa­sam­pay ng mga damit-panloob sa ilang ba­ran­gay sa Baguio City.

Sa Upper Rock Quarry, nagpasa ng or­dinansa ang ba­rangay para ipagbawal ang paninira sa kapwa o pagka­ka­lat ng tsismis.

Sa isang panayam kay Joey David, pu­nong baran­gay, karamihan sa iniaakyat na reklamo ay tsismis kaya na­isip nang gawing ordi­nansa.

Para kay Arci Cudlong, head ng social services com­mittee ng barangay, tsismis ang dahilan sa pag-aaway ng mga kapitbahay sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, multang P300 hanggang P1,000 ang maaaring kaharapin ng ma­patutunayang lumabag sa ordinansa. Ipatu­tupad ito sa Pebrero 16.

Samantala, bawal naman sa Bgy. Holy Ghost Proper ang lantarang pagsampay ng brief o panty.

Nakakahiya umano ka­pag may mga du­maraan. Pag­mumultahin naman ng P300 ang lalabag sa ordi­nansa. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page