top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lahat ng naupo sa Malacañang, todo-yabang na mauubos ang Sayyaf, 'ala namang nangyari!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2019
1 min read

NAARESTO na ang mga suspek sa pambobomba sa cathedral sa Jolo, Sulu.

Klap, klap, klap!

◘◘◘

BATA-BATALYONG sundalo ang humahanting sa Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu, pero hanggan ngayon ay hindi nila nalilipol.

Kung kailan, nambo­bomba saka nila sinusugod ang mga ito sa Patikul, Sulu.

Alam pala nilang pugad ng terorista ang Patikul, bakit ito hinahayaang maging pugad ng masasamang-loob?

◘◘◘

Panahon pa ni Tita Cory ang sitwasyon na ‘yan sa Patikul, ilang pangulo na ang naupo sa Malacañang, ‘yan pa rin ang problema.

Nasaan ang problema, sa Abu Sayyaf ba o sa gobyerno?

◘◘◘

KILALA ng gobyerno ang kanilang kalaban, alam din nila kung saan nagtatago, bakit hindi sila malipol?

Lahat ng nauupo sa Malacañang ay nagyaya­bang na malilipol nila ang Abu Sayyaf.

Pero, paulit-ulit itong nanggugulo!

◘◘◘

KUNG ang Patikul ay pugad ng terorista, dapat magtayo ng kampo r’yan, sa mismong barangay sa Patikul.

Alisin sa puwesto ang mga sibilyan at iupo ang mga military, ‘yan ang tunay na pag-iral ng Martial Law!

◘◘◘

KAPAG sinabing Martial Law, ang aaktong opisyal ng gobyerno ay mismong mga heneral.

‘Yan ang dapat gawin sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ang Martial Law sa Mindanao ay display lang.

Dapat pangatawanan ng gobyerno ang Martial Law, hindi sila dapat magkunwari o maging plastik.

Ang Martial Law ay dapat maging tunay na Martial Law.

Kontrolado dapat ng military ang takbo ng buhay sa Mindanao, imbes na kontrolado ng mga terorista!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page