HOROSCOPE | PEBRERO 06, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Feb 6, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 6, 2019 (Miyerkules): Mamalasin ang sinumang maghahangad na pumangit ang iyong kapalaran dahil sa huli, sila ang makikitang bigo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito, kaya huwag mong sasayangin. Ituon mo ang iyong oras sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Hindi maganda na kung anu-ano lang ang tinututukan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-19-22-29-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumating na muli ang araw kung kailan nakabukas ang tainga ng langit para sa iyong mga kahilingan. Mas magandang humiling ka na ngayon sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-28-33-36.
GEMINI (May 21- June 20) - Hindi ka dapat maapektuhan ng mga daing at reklamo ng mga taong negatibo. Noon pa man ay ganu’n na sila, kaya walang kuwenta kung makikinig ka sa mga sinasabi nila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-14-16-24-40.
CANCER (June 21- July 22) - Inihahanda ng langit ang magagandang kapalaran para sa iyo. Ihanda mo na ang iyong sarili at baguhin mo ang iyong ugali. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-21-27-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo ang bagay na gusto mo kahit alam mong mahihirapan ka. Ang totoo, hindi tao ang nakaaalam kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay. Magugulat ka dahil madali lang pala ang hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-14-25-32-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagsisisi ang mga taong lumalayo dahil nakikita nilang hindi pala tama ang kanilang naging desisyon. Tatanggapin mo ba ang kanilang pagbabalik? Oo, ito ang sabi ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-6-12-27-31-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang kokontra sa buhay mo dahil mapahihiya lang sila. Ibibigay sa iyo ng langit ang araw na ito at ang ilan pang araw na darating. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-23-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makinig sa mga balita, lalo na kapag wala itong sapat na ebidensiya. Maging wais ka sa mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-17-20-21-28-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka malalayo sa kung ano ang gusto mong mangyari. Ang totoo, kaunting kilos na lang ay maaabot mo na ang iyong pinapangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-15-21-24-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpalit ka ng pormula sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Dapat mong malaman na kahit gaano kaganda ang bagay, lumilipas din ito at nawawala sa pagtagal ng panahon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-12-29-30-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang patatalo sa lungkot. Madali lang kung paano ka sasaya dahil noon pa man ang saya at ligaya ay malapit na sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-26-31-33-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihanda mo na ang iyong sarili dahil darami ang maiinggit sa iyo, ito ay dahil maganda ang kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-14-20-39-45.




Comments