BEERMEN, SOSOLO 3RD BA? ELITE AT ROS, KAKALASAN
- Clyde Mariano / ATD
- Feb 6, 2019
- 1 min read

PUNTIRYA ng defending PBA Philippine Cup champion San Miguel Beer ang solo third at kumalas sa 3-2 logjam sa ROS E-Painters kontra Blackwater Elite habang ang giant killer ng Beermen conqueror na Columbian Dyip ay target ang pangatlong panalo sa limang laro vs. Alaska Aces ngayon sa muling pagbabalik sa Mall of Asia Arena.
Sasagupain ng Beermen ang Elite sa main game ng 7 p.m. matapos ang salpukan ng Car Makers at Aces ng 4:30 p.m. Walang duda na pinapaboran ang SMB kontra Elite dahil lamang sa billing man-for-man habang ang twin towers na sina five-time MVP June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Standhardinger ay katuwang sina Yancy de Ocampo at ang bato-bato na dating North Port Batang Pier na si Kelly Nabong na undisputed sa low post.
Ang presensiya nina Fajardo at Standhardinger ay tiyak magbibigay ng sakit sa ulo ni coach Bong Ramos kung paano ma-neutralize ang dalawang higante na maka-penetrate sa shaded area ang kanyang bataan.
Sa kabila nang lamang sa tao ay hindi pa rin kumpiyansa si coach Leo Austria at ayaw niyang maulit ang kahihiyan nilasap sa mga kamay ng whipping team na Dyip.
“I do not want to take chances and suffer anther embarrassment. I reminded my players to stay focus and keep their relentless assault on fire throughout to ensure victory,” sabi ni Austria na target ang 5th title mula 2015.




Comments