Aprub naman daw sa doktor niya… ROCHELLE, MANGANGANAK NA LANG, TODO-SAYAW PA RIN
- BULGAR

- Feb 6, 2019
- 1 min read

MUKHANG na-miss ni Rochelle Pangilinan ang pagsasayaw at kahit kagampan na niya ay todo-dance siya sa taping ng Onanay. Ipinost ng aktres at dating miyembro ng Sex Bomb Dancers ang video nila ng mga kasama sa serye dancing to Switch it Up Challenge.
Sa caption ni Rochelle, sinabi naman niyang nagpaalam muna siya sa kanyang OB Gynecologist bago niya ginawa ang pagsasayaw.
“Hindi ko maiwasang hindi sumayaaaaaaw! Sa set ng Onanay, habang naghihintay, nagkatuwaang gawin ang #switchitupchallege haha!
“Pero syempre bago ko gawin, nagpaalam muna ako sa OB ko, pinayagan naman nya ko, na-miss ko ‘tong gawin! Ang sumayaw!!! Pagpasensyahan n’yo na, hindi namin kabisado ang dance steps hehe,” caption ni Rochelle.
Sa dulo nito ay nilagyan pa niya ng mga hashtags na #switchitupchallenge #kahitbuntislaban #mayfanskamiperoonanaystaff #kalokohan #hindiakopinalakingsexbombparasumuko
Komento nga ng mga netizens, wala pa ring kakupas-kupas si Rochelle sa pagsasayaw at sobrang galing pa rin.
May nagkomento rin na sila raw ang kinabahan for Rochelle dahil talaga namang bigay-todo sa pagsasayaw. Worry nila, baka raw mapaanak nang ‘di oras ang aktres-dancer.
Nakatakdang manganak si Rochelle this last week of February or first week of March sa first baby nila ni Arthur Solinap. A few months ago ay inanunsiyo na nilang baby girl ang ipinagbubuntis ng aktres.
Ang nakakatuwa kay Rochelle, kahit malapit na siyang manganak ay hindi siya nag-leave sa kanyang trabaho at tuluy-tuloy pa rin ang taping niya ng Onanay.





Comments