top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Maestro... MGA KA-COMPATIBLE NG MGA IPINANGANAK NGAYONG YEAR OF THE PIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2019
  • 2 min read

SA pagpapatuloy ng ating talakayan tungkol sa kapalaran ng mga ipina­nganak ngayong Year of the Pig, atin namang pag-uusapan kung paano sila susuwer­tehin at sinu-sino ang ka­nilang mga katug­ma. Da­hil likas na matulu­ngin at mapagmahal sila sa kani­lang kapwa, sad­yang nagi­ging lapitin ng suwerte at may magagan­dang kapa­laran silang mga isinilang ngayong Year of the Pig. Para sa kanila, “kung ano ang nasa puso, mo gawin mo” dahil ang nasa pusong ito ng mga Year of the Pig ay ang pagiging mabait at ma­buti, kaya sa dakong huli bumubuti at lalo pang na­giging buwenas at gu­ma­ganda ang kanilang ka­palaran.

Dagdag pa rito, batid ng mga Year of the Pig na ang natural na batas ng kalikasan ang magbibigay sa kanila ng suwerte at ma­gagandang ka­palaran, as long as, patu­loy silang nagli­lingkod sa ka­nilang kapwa at gumagawa ng kabutihan. ‘Yun ang “ma­gic” ng mga taong Baboy, hindi sila hini­hiwalayan ng magagandang kapalaran dahil sa kaibutu­ran ng ka­nilang puso ay may malalim na kabutihang na­na­nahan.

Tulad ng Baka, ang mga Baboy ay nagsisikap din sa buhay at nagtitiyaga, ngunit, ang kaibahan nila, ginawa ito ng mga Baboy nang may arte, lambing at saya dahil para sa kanila, ang pagiging malambing at masayahin ay isa sa mga pangunahin ni­lang katangian.

Kaya ang mga Baboy ay hindi basta-basta dinadatnan ng kalungkutan at kamala­san da­hil tulad ng nasabi na, anu­man ang dumating sa ka­ni­lang buhay, itinuturing nila itong maganda at may ma­buting kauuwian dahil batid ng mga Baboy na malakas sila sa nasa itaas. Kaya kahit ano pa ang sapitin nila sa bu­hay, sa dakong huli, sila ay kusang pinapatnubayan at bi­nibigyan ng suwerte at ma­­­gagandang kapalaran ng langit.

Sa pag-ibig, sex at paki­ki­pagrelasyon, ang mga Ba­boy ay sinasabing nahihira­pang magtago ng kanilang emosyon. Kaya kapag na­kur­sunadahan ka ng Baboy, malamang na sinadya man o hindi, makikita mo na ka­agad ang kanilang pagkali­nga, lambing at pag­mama­hal sa iyo. Bukod sa ma­lam­bing at mapagmahal, tunay ngang ang mga Baboy ay mahusay ding kapareha sa romansa at dahil hindi nila magawang itago ang kani­lang saloobin at pagna­nasa, kadalasan, nauuwi sa kabi­guan at pagkadismaya ang unang pag-ibig nila. Su­balit, tulad ng nasabi na, higit na mas nagiging maligaya at very satisfied ang ikala­wang pag-ibig o pakikipag-relas­yon at romansa kung iku­kum­para ito sa una.

Ka-compatible naman ng Baboy ang mahinhin at tahimik na Tupa o Kambing at ang sopistikadong Kune­ho. Mauunawaan ng Kam­bing o Tupa ang itinatagong damdamin ng Baboy ha­bang masasarapan naman ang Kuneho sa malambing at mapagkalingang Baboy.

Pagpupursigihan na­mang ayusin at lalo pang pa­kinisin ng Kuneho ang med­yo magaspang at padaskol na ugali ng Baboy habang tuturuan naman ng Baboy ang Kuneho upang lumakas ang loob at palaging maging positibo sa kanyang mga pa­nanaw sa buhay.

Bukod sa Kuneho at Kambing o Tupa, ka-com­patible rin ng Baboy ang Tigre.

Habang ang relasyong Baboy sa Baboy ay maaari namang sa umpisa lang ma­giging masarap at maligaya dahil sa bandang huli ay po­sibleng mauwi rin ito sa pan­lalamig at pagkasawa sa isa’t isa.

Puwede ring makasama ng Baboy ang Daga, Baka, Dragon, Kabayo, Tandang at Aso dahil ang pag­lalabis sa maraming ba­gay ng Ba­boy ay kayang-ka­yang di­sip­linahin ng nasa­bing mga animal sign.

Hindi naman tugma sa Baboy ang maharot na Ung­goy at ang palautos at tusong Ahas.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page