10 miyembro ng BIFF sumuko
MAGUINDANAO—Sampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko, kamakalawa sa Philippine Army (PA) sa bayan ng Shariff Aguak sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang mga sumukong miyembro ng BIFF.
Nabatid na kaya umano nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan ang mga rebeldeng BIFF ay dahil nagsawa na umano sila sa pakikipaglaban sa pamahalaan.
Sa kasalukuyan, isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong rebeldeng BIFF upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.





Comments