top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Uso ngayong Chinese New Year | NAKAMAMATAY NA LUCKY CHARM, NAGKALAT!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2019
  • 1 min read

KASABAY sa pagdiriwang ng Chinese New Year, nagbabala ang en­vironmental group na EcoWaste Coali­tion sa pagbili ng lucky charm o pampa­suwerte na may nakala­lasong kemikal.

Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner, lumalabas sa pagsusuri na mataas ang nilalamang cadmium at lead ng 15 sa 20 lucky charms na kanilang binili sa Binondo at Quiapo sa Maynila.

Kabilang umano sa mga nabiling lucky charm na may mataas na antas ng lead at cadmium ay red fabric bracelet, stainless steel necklace na may pig pendant at stainless steel necklace na may money pouch pen­dant.

May naidudulot umanong panganib sa kalusugan ang lead at cadmium.

Nagreresulta ito ng intellectual disabilities na nagiging sanhi ng kamatayan kung hindi maaagapan.

Isa sa pangunahing epekto ng lead sa isang bata ay ang pagbaba ng kanilang Intelligence Quotient o IQ.

Oras na makain ng bata ang isang bagay na may mataas na lead content ay napipinsala nito ang utak nito.

Bumabagal din ang paglaki ng mga buto, nagkakaroon ng problema sa pandinig at mental retardation.

Kung hindi naman maiiwasan ang pagbili ng mga lucky charm, mainam umanong piliin ang mga may plastic laminate. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page