top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tanod nagbigti sa bahay

Pabs Hernandez III
Feb 5, 2019
1 min read

NUEVA VIZCAYA—Isang barangay tanod ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng kanilang bahay, kamakalawa sa Bgy. Gabut, Dupax del Sur sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Ramel Licay, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ni Licay ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page