Sinabihang nasa drug list | MISTER NAGBIGTI, DEDBOL

DAHIL umano sa depression at stress, nagpasyang magpakamatay ng 23-anyos na empleyado matapos makatanggap ng impormasyon na nasa listahan umano siya ng mga drug personality na hinahanting ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Kinilala ni Pasay City Police Chief Sr. Supt. Noel Flores, ang nasawi na si Kennieth Aldai, ng Bgy. 173, Zone 17, Malibay.
Alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ang biktima ng kanyang live-in partner na si Katrina, 23, na nakabigti sa kanilang bahay.
Agad humingi ng tulong si Katrina sa ilang kapitbahay para kalagan ang kinakasama pero, wala na itong buhay.
Ipinagbigay-alam sa barangay ang insidente na ini-report naman sa tanggapan ng Pasay City Police.
Bago ang insidente, ayon kay Katrina, nakaranas ng matinding depression at stress si Kennieth matapos matanggap ang hindi kumprimadong impormasyon na siya ay isa umano sa drug personalities na hinahanap sa pamamagitan ng larawan nito ng mga awtoridad/law enforcer mula sa hindi pa batid na unit. Ang nasabing impormasyon umano ay ipinabatid lang sa biktima ng kanyang mga kaibigan na hindi binanggit ang pangalan. Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing kaso.





Comments