top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Para sa mga sundalo‘t pulis | MGA PABAHAY, IBINIGAY SA MGA SUMUKONG NPA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2019
1 min read

AABOT sa 375 na kabahayan sa ‘freedom residences’ sa Bgy. Cuambogan, Tagum City ang inilaan ng National Housing Authority para sa mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA).

Sa isinagawang inspeksiyon nina NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr. at Lieutenant General Macairog Alberto, 50 sa mga bahay ay handa nang ibigay ng gobyerno sa mga dating rebelde.

Pinaaayos umano ng administrasyong Duterte ang pabahay na ito na dati ay P240,000 ang inilaang pondo sa bawat unit pero, dinagdagan pa ang pondo ng P210,000.

Dagdag pa niya, nakalaan ang nasabing mga pabahay sa mga sundalo at pulis pero ipinaubaya na ito sa mga sumukong rebelde.

Itinayo sa mahigit tatlong ektaryang lupain ang freedom residences na may covered court at talipapa.

May lawak na 40 square meters ang lupang tinayuan ng bahay na may 33 square meters na floor area.

Meron itong receiving, dining at kitchen area at naka-tiles din ang banyo.

Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang mga silid-tulugan.

Mas lalong makapag-iisip na ngayong sumuko ang mga rebelde dahil tinupad ng gobyerno ang pangako nito na tutulungan ang mga sumukong NPA. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page