top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Napag-iiwanan na ni Kylie na benta ang love team kay Ruru… ALJUR, LUMIPAT SA DOS, 'DI PA RIN SU

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2019
  • 1 min read

MUKHANG patok pa rin ang tamba­lang Kylie Padilla at Ruru Madrid this time nang muli silang pagsamahin sa political rom-com series na TODA One I Love.

Nabuo ang kanilang team-up nu’ng 2016 sa Encanta­dia pero naudlot ito dahil sa ‘di inaa­sa­hang pagbu­bun­tis no­on ni Kylie.

Pero despite the fact na in real life, ‘di sila ma­giging totoong partners, ti­nang­gap ng public ang muli nilang pagta­tambal.

Maganda naman kasi ang kuwen­to ng TODA One I Love. Comedy ito. Pare­hong tricycle driver dito si­na Ruru at Kylie. Nagkahi­walay sila nu’ng mag-abroad si Ruru pero nawalan ng trabaho nang magbalik-Pinas. Nakita niyang muli ang isang maganda pero matapang na si Kylie.

At para mas makato­tohanan ang pagganap sa comeback teleserye nila ni Ruru kung saan pareho silang guma­ganap na tricycle driver, nag-aral pang mag-drive ng motorsiklo si Kylie na aminadong sanay sa pagganap ng action series at drama pero itong comedy ay bago sa kanya.

So, tama nga naman ang advise ni Aljur na mag-stay put ang asawa niya sa GMA-7 dahil may lugar ang network para sa kanya. The way things are going for Kylie, mukhang may bright future talaga ito sa Kapuso Network.

‘Di kaya may regret din si Aljur sa paglipat-bakod niya sa Dos? Mukhang ‘di nga naman umangat-angat ang kanyang career dito kahit magagandang roles na rin naman ang naibigay sa kanya.

At ‘di kaya dumating ang punto kung fully ma-build-up na ang Ruru-Kylie love team ay magselos naman si Aljur na mukhang napapag-iwanan na ng asawa?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page