top of page
Pokwang.jpg

Lalaking bet ng magpaka-girl

ROMA AMOR
Feb 5, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Paul John, 21 years old. Lalaki ako sa pisikal na hitsura, pero ang nilalaman ng aking puso, eh, tulad sa nara­ram­daman ng mga ba­bae. Bata pa lang ako ay malambot na ako at alam kong napapansin naman ito ng aking mga ma­gu­lang, kaya lang, pa­rang ayaw pa rin nila akong tanggapin, nahi­hirapan tuloy akong mag­paka-girl kahit gustung-gusto ko na. Ano ang da­pat kong gawin? — Paul John

Paul John,

Alam mo ngayon, kahit papaano, eh, nata­tanggap na ang katulad mo, kaya huwag kang matakot na magpaka-girl, lalo na kung ‘yan ta­laga ang nilalaman ng puso mo. ‘Ika nga nila, nasa tamang edad ka na kaya dapat matuto ka ng manindigan. Kaya mo ‘yan! Hiling namin na ma­intindihan ka ng iyong mga magulang, ga­yun­din, ng mga taong nasa paligid mo. Good luck sa’yo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page