Kamay na bakal vs. terorismo

KAMAY na bakal ang dapat gamitin ng pamahalaan laban sa mga naghahasik ng terorismo sa bansa.
Ito ang inihayag ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael ‘Tio Paeng’ Alunan.
Nakadidismaya aniya ang pagbomba sa Jolo, Sulu na kumitil sa buhay ng mahigit 20 katao at ikinasugat ng mahigit sa 100 katao.
“Terrorism strikes without warning and kills indiscriminately. It subverts the economy and national security,” anito.
Kaugnay nito, ang isinusulong na pagbabalik sa death penalty sa pamamagitan ng pagpapalakas sa “Human Security Act” upang ang Executive Branch ay magkaroon ng sapat na puwersa para malupig ang terorismo at ang syndicated crimes sa buong bansa.
Kailangan din umano na palakasin ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para labanan ang external at internal threats na kahaharapin ng bansa, lalo pa’t may mga puwersa umano na galing pa sa ibang bansa na sumusuporta sa mga local terrorist sa Mindanao.





Comments