HOROSCOPE | PEBRERO 05, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 5, 2019 (Martes): Huwag kang mag-aalinlangan dahil ang pagiging matapang ang susi mo sa maraming tagumpay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa bawat kilos mo. Ang kawalan ng tiwala sa sarili ay nagbubunga ng mga kabiguan. Muli, magtiwala ka sa bawat kilos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-23-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang sa tingin mong maganda, ‘yun ang piliin mo. Huwag ka nang magdalawang-isip nang sa gayun ay hindi masayang ang oras mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-20-21-26-34.
GEMINI (May 21- June 20) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. May mga suwerte ka rin sa malalayo. Ibig sabihin, hindi ka mahihirapang pagandahin ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-15-21-28-36.
CANCER (June 21- July 22) - Yakapin mo ang mga aral sa buhay na nakuha mo sa kabiguan. Hindi na dapat maulit pa ang mga pagkakamaling nagawa mo sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-25-30-42-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sumisilip sa iyo ang malalaking suwerte kung saan hinihintay nito na matalo mo ang iyong kahinaan nang sa gayun ay tuluyan ng gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-19-22-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagdaragdag kapag kulang dahil ang kakulangan ay sanhi ng kalungkutan. Dagdagan mo ang inspirasyon mo, hindi maganda kung isa lang ang nagbibigay sa iyo ng sigla. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-17-29-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumabas ka sa masalimuot na kalagayan. Hindi ka isinilang para masaktan at gawing alipin ng sitwasyon kung saan nahihirapan ang iyong kalooban. Ang kaligayahan ay nababase sa desisyon ng indibidwal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-16-26-34-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tutukan mo kung ano ang talagang gusto mo sa buhay. Hindi ka magtatagumpay kung wala kang mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-15-22-28-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong itago ang galing at husay mo dahil ito ang susi mo upang magkaroon ka ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red.Tips sa lotto-5-11-14-20-22-29.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi makabubuti kung nag-iisa ka lang. Gayunman, ang iyong pag-iisa ay pansamantala lang dahil darating din ang taong itinakda sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-13-28-33-43-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi makagaganda sa iyo ang nag-uumapaw na kaligayahan. Kaya, ibahagi mo sa mga malalapit sa iyo ang kasiyahan mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-24-29-32-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itaas mo pa ang iyong ambisyon. Mahirap paniwalaan na kaya ka nabigo ay dahil sa sarili mong pananaw sa buhay. Dapat mong malaman na isa ka sa mga dakilang magtatagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-17-20-29-33-41.




Comments