Chinese New Year, walang coding
Gina Pleñago
Feb 5, 2019
1 min read

SINUSPINDE na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila ngayong araw, February 5.
Ito ay dahil deklaradong special non-working holiday ang February 5 na Chinese New Year. Samantala, sa hiwalay na abiso, suspendido na rin ang number coding sa Makati City. Wala pang abiso ang Las Piñas kung magsususpinde rin ng number coding.





Comments