top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

CEU SCORPIONS, TARGET MAGKAMPEON SA D-LEAGUE

A.Servinio
Feb 5, 2019
2 min read

SILA na lang ang nalala­bing koponan buhat sa pina­kaunang taon ng PBA D-League noong 2011. Nga­yong 2019 sisikapin ng Centro Escolar University na makuha ang kanilang ika­lawang kampeonato sa ika-16 at pinakamalaking torneo ng liga simula Pebrero 14 sa Ynares Sports Arena.

Unang nagkampeon ang CEU noong 2015 Founda­tion Cup dala ang bandila ng CafeFrance Bakers sa gabay ni Coach Edgar Macaraya. Ito ang naging daan para umakyat sa PBA ang mga CEU varsity na sina Alvin Abundo, Samboy de Leon at Joseph Sedurifa at pati na rin ang mga guest player na sina Michael Miranda, Jam Cortes, Yutien Andrada, Bong Galanza at Maverick Ahan­misi habang si Rodri­gue Ebon­do ay pinatawag ng pambansang koponan ng Democratic Republic of the Congo.

Ang buong koponan na Scorpions ni Coach Frede­rick Pumaren ay pawang mga mag-aaral sa pangu­ngu­na ng mga beteranong sina Tyron Chan, Rich Gui­nitaran at Judel Ric Fuen­tes. Inaasahan na malaki ang tulong na idudulot ni Malik Diouf, ang bagong banya­gang mag-aaral galing sa Senegal. Unang napanood ang seven-footer na si Diouf sa 3rd edition ng Universities and Colleges Basketball League (UCBL) noong 2017 kung saan nagtapos sa 3rd place ang Scorpions.

Babalik din sa CEU ang tambalan nina Jan Dominic Formento at John Edcel Ro­jas matapos hindi makalaro sa mga ibang liga ng ko­ponan dahil bagong lipat sila mula sa Colegio de San Lo­renzo. Nariyan din sina Chris­tian Uri, Jordan Intic, CJ Pamaran, Franz Diaz at ang magkapatid na Keanu at Kobe Caballero kasama ang mga D-League rookie na sina Joshua Abastillas at Rhayniel John David. Ang CEU ay kasama sa Grupo B kung saan makakalaro nila ang Diliman College, ang kampeon ng UCBL. Nan­diyan din sa grupo ang San Sebastian College na hahawakan ni Coach Maca­raya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page