top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Trabaho sa WSP na para sa mga Pinoy, mga Intsik pa rin ang nakikinabang, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2019
2 min read

PANELO, SUPALPAL SA IBON FOUNDATION—Sinupalpal ng IBON Foundation ang pagkontra ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa kinalabasan ng kanilang pagsusuri na 81,000 trabaho lang ang nalikha ng Duterte gov’t. sa mga jobless Pinoy.

Ang sabi ni Panelo ay 826,000 daw ang naipagkaloob na trabaho sa publiko ng Duterte gov’t., pero ayon sa IBON Foundation, walang ganitong data ang PSA (Philippine Statistics Authority) dahil ang nakatala lang daw sa facts ng ahensiyang ito ay 81,000 ang nalikhang trabaho ng gobyernong Duterte.

Dahil may data o facts na ipinakita ang IBON Foundation, natameme sa isyung ito si Panelo, boom!

◘◘◘

MGA ISDA AT TRABAHO NA PARA SA MGA PINOY, CHINESE PA RIN ANG NAKIKINABANG—Ang mga isda sa West Philippine Sea (WPS) na dapat mga mangingisdang Pinoy ang makinabang, mangingisdang Chinese ang nakikinabang at ang mga trabahong dapat sa Pinoy, ibinibigay ng Duterte gov’t. sa Chinese workers.

Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung bakit sa survey ng SWS sa huling quarter ng 2018, 9.8 milyong Pinoy ang jobless, hu-hu-hu!

◘◘◘

IMBES NA DUTERTE YOUTH PARTYLIST ANG IBASURA, PARTYLIST NG MANGGAGAWA, HEALTH WORKERS AT CALAMITY VICTIMS ANG IBINASURA NG COMELEC—Inaprubahan ng Comelec ang kandidatura ng Duterte Youth Partylist, pero ibinasura naman ang Manggagawa Partylist, Aksyon Health Workers Partylist at People’s Surge Partylist.

Pambihira, imbes na Duterte Youth Partylist ang ibasura dahil hindi naman ito marginalized sector at grupo lang ‘yan ng kabataang pro-Duterte na nais matawag na congressman, eh, ang ibinasura ay ang tatlong partylists na kumakatawan sa mga marginalized sector tulad ng manggagawa, health workers at biktima ng kalamidad, buwisit!

◘◘◘

2 ‘TONGPATS’ COLLECTORS NA ‘TAO’ RAW NINA C/SUPT. CORONEL AT SUPT. DIMAANDAL, DAPAT DAKPIN —Hindi pa rin daw naglulubay ang dalawang “tongpats” collectors na sina “Adarna” at “Abdul” na kapwa nagpapakilalang tauhan nina PNP-Region 3 Director, C/Supt. Joel “Jigs” Coronel at Supt. Jay Dimaandal, chief ng Regional Intelligence Division (RID) sa pangongolekta ng payola sa mga iligalista sa Central Luzon.

Kung walang kinalaman sina C/Supt. Coronel at Supt. Dimaandal sa raket nina “Adarna” at “Abdul”, isa lang ang dapat nilang gawin, ipa-”tokhang” nila ang dalawang “tongpats” collectors na ito, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page