Suporta kay Pres. Maduro, binawi ng air force leader sa Venezuela
LUMALA pa ang tensiyon sa Venezuela nang umatras ng suporta kay Pres. Nicolas Maduro ang hepe ng air force sa bansa. Nagpaabot ng suporta si Gen.
Francisco Yanez kay opposition leader Juan Guaido kasunod ng mga panawagan na magbitiw sa puwesto ang kasalukuyang pangulo na itinuturing nilang diktador.
Gayunman, kinilala ng Estados Unidos si Guaido bilang lehitimong presidente ng Venezuela kasunod ng krisis na nararanasan ng ekonomiya sa bansa.
Ito umano ang dahilan ng pagma-migrate ng ilang residente sa kalapit-bansa ng Venezuela. Umaasa ang mga kritiko ni Maduro na kikilalanin na rin ng European Union ang liderato ni Guaido.





Comments