Shoutout sa mga beshy natin diyan na palaging nakasapatos... MGA PARAAN PARA SA MAS MABANGONG MGA PA
- Donna Thea Topacio
- Feb 4, 2019
- 2 min read

WORRIED ka ba beshy dahil madalas na umalingasaw ang iyong mga paa sa baho? Naku, bad ‘yan hindi lang dahil sa amoy nito kundi dahil sa mikrobyong naninirahan sa inyong mga paa. Kaya para maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong mga paa, narito ang ilang paraan kung paano ito maiiwasan:
1. ALWAYS CLEAN. Yup, make sure na palagi kayong maliligo at maglilinis ng mga paa, gayundin ng mga kuko dahil maaari itong bumaho dahil sa ingrown. Eww!
2. USE ANTI-BACTERIAL SOAP. Bukod sa paggamit ng mga sabong nakapuputi, mainam din kung gagamit tayo ng mga sabon na epektibong makatanggal ng mga bakterya dahil madalas ang mga bakterya na hindi natin masyadong napapansin ang nagdudulot ng hindi kanais-nais na amoy sa ating mga paa.
3. MAKE SURE IT’S DRY. Pagkatapos maligo o maglinis ng mga paa, dapat ay patuyuin o punasan muna ito bago magsuot ng medyas at sapatos. Dagdag pa rito, huwag gumamit ng mga medyas na hindi pa tuyo dahil mas prone ito sa pagkakaroon ng mabahong amoy.
4. USE DEODORANTS. Kung sobrang tindi na talaga ng foot odor ninyo, maghanap kayo ng mga foot deodorants na hiyang kayo dahil malaki ang maitutulong nito para kahit papaano, eh, mawala ang mabahong amoy ng inyong mga paa.
5. DON’T REPEAT YOUR SOCKS. Ooops, alam kong may ilan sa inyo ang guilty dito, he-he-he! Ayon sa mga eksperto, hindi ipinapayo ang pagsusuot ng medyas nang 2 beses kada araw lalo na kung pawisin ang ating mga paa dahil may maiiwanan talaga ritong amoy na hindi ninyo gugustuhin. He-he-he!
Kaya, mga beshy, kung bet na ninyong magkaroon ng mabangong mga paa, don’t hesitate na sundin ang mga tip na ito.
Gets mo?




Comments