top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Purdoy dumarami, mga kandidato ni P-Digong, tagilid?

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2019
1 min read

MARAMI na ang gumagapang sa hirap.

Makaapekto kaya ito sa mga kandidato ni P-Digong o makatulong?

◘◘◘

MARAMI nang nagsasaradong munting negosyo o mga micro-industry.

Kasi nalulugi na sila sa matumal na benta at mataas na capital!

◘◘◘

Halimbawa, ang simpleng karinderya ay hindi na maaaring magbenta ng “nilutong karne” ng kambing dahil higit na mataas ang presyo kaysa sa karne ng baka at kalabaw.

Kahit ang beef ay mataas din ang presyo sa mga karinderya at kahit magtinda ito ng turu-turo ay mapapanis lang kasi hindi kayang bilhin ang presyo ng ordinaryong obrero!

◘◘◘

Paano makapagtitinda ng galunggong kung ikinalat sa media na mayroon itong formalin?

Marami ng karinderyang nagsara kasi nabaon sa utang sa Bumbay ang mumunting negosyante.

Kahit ang Bumbay ay naghigpit na rin kasi nasusuba lang sila at delikadong maholdap pa kapag nakipag-away sa mga nangungutang!

◘◘◘

Paano kapag nawala ang Bumbay?

Ang ipinangakong pautang ng gobyerno ay drawing lang, bola-bola at hindi totoo.

Wala pang nabibiyayaan sa pautang ng gobyerno sa maliliit na negosyante!

◘◘◘

Gumagapang na sa hirap ang maliit na negosyante at hindi sila natutulungan ng pamahalaan.

Ang mataas na presyo ng bilihin ay hindi maaawat at apektado rito ang mga dati nang nagdarahop sa buhay!

◘◘◘

Dati-rati ay maaaring kumita sa pagtitinda ng sigarilyo at softdrinks, pero hindi na ngayon dahil mataas na ang presyo ng mga ito.

Saan kakapit ang mga nagugutom?

Sa patalim o sa Holy Rosary?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page