top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Political killings, dumoble — PNP

  • Jeff Tumbado
  • Feb 4, 2019
  • 1 min read

DUMOBLE pa umano ang bilang ng mga nangyayaring patayan na may kaugnayan sa politika noong 2018, ayon sa bagong datos na ipinalabas ng Philippine National Police (PNP).

Kumpara noong 2017, mas dumami ang krimen ng pamamaslang sa mga pulitiko dahil na rin umano sa nalalapit na 2019 Midterm Elections sa Mayo 13.

Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Bernard Banac, mula sa 19 kaso na naitala noong 2017, umakyat ito sa 38 noong 2018.

Nagkakaroon na aniya ng pattern sa bansa na karaniwang tumataas ang kaso ng patayan lalo na ang high profile cases tuwing papalapit ang panahon ng eleksiyon.

“Puro high profile ang nangyayaring killings kasi nga mga politician ang involved. That’s why ‘yung election laws, napakahigpit, like carrying of firearms, security o bodyguards na nagko-contribute doon sa tension, private armies,” paliwanag ni Banac.

Kabilang sa mga napatay kamakailan sina General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote, Trece Martires, Cavite Mayor Alex Lubigan, Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol at Ronda, Cebu Vice-Mayor Jonnah John Ungab at Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Hindi pa naisasama ng PNP sa kanilang datos ang mga panibagong insidente ng pananambang na naitala sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan na ang pinakahuli ay ang pagpatay sa dating barangay chairwoman na kumakandidatong kongresista sa Lungsod ng Quezon na si Criselle Beltran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page